Skip to Content
Previous Slide 1/3 Next

Sentro ng Wika


Kasaysayan

Ang gusali ng Wika ay panukalang proyekto ni Dr. Nita P. Buenaobra noong Hulyo 6, 1976, naitayo sa taong 1977-1978 sa tulong ng Pangulong Ferdinand E. Marcos at Atty. Maximo D. Domingo Jr. na binigyan ng paunang pondong nagkahalagang isang daang libong piso (100,000) na hango sa Extra Ordinary Fund ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos, sa panahon ng panunungkulan ng unang pangulo ng Bicol University, Dr. Ricardo Arcilla at ito ay nasa pangangasiwa ni Dr. Lazara Julianda, dekano ng Paaralang Gradwado.

Ang layunin ng pagpapatayo ng gusali ay maging sentro ng pananaliksik sa pambansang wika, kalinangang Bikol at lingkurang pang-ekstensyon kaugnay ng pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Wikang Filipino sa buong kapuluan. Ito ay pamumunuan ng isang Direktor na hihirangin ng Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino at ng Pangulo ng Bicol University.

Isa sa mga direksyon nasasaad sa Comprehensive Development Plan (ComDev Plan) ng Bicol University ay may kinalaman sa pagpapaunlad ng iba't ibang programa sa instruksyon, pananaliksik, ekstensyon at produksyon. Sa kasalukuyan ang PSWF-BU bilang panrelihiyong sentro ay nagsasagawa at nagtataguyod ng mga programa, proyekto at iba pang gawain sa patuloy na pagpapatupad ng mga patakarang pangwika tungo sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino.

Sa implementasyon ng ComDev Plan ng Bicol University magkakaroon ng clustering ng iba't ibang kolehiyo at yunit sa mga service Colleges. Dahil dito, ang PSWF ay dapat magkaroon ng malaking ugnayan sa College of Arts and Letters.

Ang PSWF ay isang autonomous na yunit ng pamantasan sa ilalim ng opisina ng pangulo ng Bicol University katulad ng iba pang yunit. Sa paglalagay ng PSWF sa ilalim ng isang kolehiyo ay maaring makasagabal sa pag-unlad at paglinang dahil sa magkakaibang patakaran at ibang tunguhin.

Subalit hindi ito nangangahulugan na sapagkat ang PSWF ay isang autonomous na yunit ito'y hindi aayon sa vertical articulation na nasasaad sa ComDev Plan. Sa puntong ito ang PSWF at CAL ay dapat na magkatuwang sa lahat ng mga proyekto, programa at iba pang gawain tungo sa magandang ugnayan.

Bisyon

Ang BU-PSWF ang sentro sa rehiyong Bikol ng mga pananaliksik tungkol sa wikang Filipino at iba pang katutubong wika ng mga pagsasanay na pangwika ng iba't ibang sector ng populasyon at ng produksyon ng mga babasahing pangwika.

Misyon

Hangarin ng BU-PSWF na masagot ang pangangailangang may kaugnayan sa wikang Filipino at iba pang katutubong wika ng iba't ibang sektor ng populasyon sa rehiyong Bikol lalo na sa mga pangangailangn sa pagsasanay, pagsasalin, paghahanda ng mga kagamitan sa pagtuturo at babasahin sa Filipino.

Mga Tunguhin

Pagsasalingwika

* Patuloy sa pagtanggap ng mga materyales, babasahin, polyeto at iba pa na isasalin sa wikang Filipino, sa Bikol gayundin sa English mula sa iba't ibang ahensya at opisina ng pamahalaan at pribadong sektor.
* Pagsasalin ng mga "literary texts" na nasusulat sa iba't ibang dayalektong Bikol sa Filipino upang magamit sa pagtuturo.

Pananaliksik at Malikhaing Pagsulat

* Makapagsagawa ng mga pananliksik sa panitikan lalung-lalo na ang mga "indigenous literature".
* Pananaliksik ukol sa paghahambing ng kayarian ng wika ng anim na lalawigan ng Bikol.

Gawaing Ekstensyon

* Pag-eedit ng mga manuskrito at iba pang babasahing nasusulat sa Bikol at Filipino.
* Pagtataguyog ng mga salingkurang pagsasanay, seminar-worksyap na tumatalakay sa mga isyung pangwika, at ang prosesong pagtuturo-pagkatuto.
* Pagsisilbing tagapagsalita sa iba't ibang programang pangwika na idinaraos sa pamantasan, sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa rehiyon.
* Pagtataguyod ng mga panrehiyong patimpalak na may kinalaman sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.

Gawaing Produksyon

* Pagtataguyod ng mga seminar-worksyap.
* Renta ng mga pasilidad ng PSWF-BU lalung-lalo na ang PSWF-BU Hall.
* Malikhaing Pagsulat: 1.) Pagsulat ng mga aklat na gagamitin ng estudyanye sa mga batayang medyor hindi lamang ng mga taga-Bicol University kundi pati iba pang kolehiyong pampubliko at pribado. 2.) Pagsulat ng modyul at mga sanayang-aklat.
* Pagbubkasng isang "mini bookstore".
* Pagsasalin ng iba't ibang babasahin.
* Pag-eedit ng mga andergradweyt tesis, masteral at disertasyon at iba pang babasahin na nasussulat sa Filipino.

Tungkulin

1. Magkaroon ng mga pananaliksik at pag-aaral sa mga wika at literature sa BU at Rehiyon 5 ng pagpapaunlad at pagpapayaman pa ng wikang Filipino.

2. Malinang at mapaunlad ang kakayahan at kahusayan sa pagtuturo at paggamit ng wikang Filipino ng mga instructor/professor at mga pinuno ng BU at ng iba pang paaralan/kolehiyo/universidad sa Rehiyon 5 pribado man o pampubliko.

3. Paghahanda at produksyon ng mga pantulong na kagamitan at babasahin na kailangan sa pagtuturo sa lahat ng level ng edukasyon.

4. Makatulong sa pagpapabilis ng epiktibong implementasyon ng Patakarang Bilinggwal sa edukasyon (DECS Memo no. 52 at 54, s. 1987) para sa BU at iba pang paaralan, pribado man o pampubliko.

5. Makapagtaguyod ng mga pasasanay sa mga tauhan at pinuno ng iba't ibang yunit ng pamahalaang local sa rehiyon sa paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at korespondensya, alinsunod sa tadhana ng Executive Order No. 335 s, 1988 at kaugnayan ng DILG Memo Circular No. 97-153.